Unlimited Zone

Full Version: si boss at si katiwala
You're currently viewing a stripped down version of our content. View the full version with proper formatting.
si boss ay isang mayamang may-ari ng farm na mainitin ang ulo. mahigpit siya sa mga tauhan niya kaya naman takot silang magkamali kay boss.

ganunpaman, nag-ring ang telepono ni boss ng alas kwatro ng madaling araw....

KATIWALA: hello boss? si pedro po ito yung katiwala ninyo sa bahay-bakasyunan ninyo

BOSS: tangina naman pedro oh. nakakainit ka naman ng ulo, ganitong oras ka tatawag! bakit ba?

KATIWALA: uhmm... napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga mong parrot

BOSS: yung parrot kong si pikoy, patay? yung nanalo sa bird show?

KATIWALA: opo sir, yun na nga po

BOSS: anak ng puta naman oh! ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong yon....ano ikinamatay?

KATIWALA: eh kumain po kasi ng bulok na karne

BOSS: puta, bulok na karne?!? sinong bobo ang nagpakain sa
kanya ng bulok na karne?

KATIWALA: ww-wala pong nagpakain... kinain niya yung ng patay na kabayo

BOSS: putangina anong patay na kabayo?!?

KATIWALA: yun pong mga thoroughbred horses niyo sir. namatay po kasi napagod po kahihila ng kariton ng tubig

BOSS: bwakanangina naman! anong kariton ng tubbbiiiiggggg?!?

KATIWALA: yun pong pinampatay namin ng sunog

BOSS: pukinangina!!! anong sunog naman yang pinagsasasabi mo?

KATIWALA: yun pong halos tumupok sa bahay niyo... tumumba po yung isangnakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."

BOSS: mga punyeta kayong mga bobo kayo!!! eh may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan ah. para saan yang kandilang yan?

KATIWALA: para sa burol po

BOSS: hah??? kaninong ka-putahang burol naman yan!?!

KATIWALA: sa nanay nyo po sir. bigla kasi siya dumating dito nung isang gabi pero walang kaabi-abiso. lampas hatinggabi na. akala ko po magnanakaw... kaya binaril ko
katiwalanghiya! elmaw
aw... lol
Reference URL's